Matapos tanghalin bilang Little Ms. Philippines 2012 ng Eat Bulaga ang batang si Ryzza Mae Dizon, makakasama niya ang mga naglalakihang artista pagdating sa comedy sa kanyang pagpasok saTweets for my Sweet.
Hindi makapaniwala ang bibong bata na magiging bahagi siya ng nasabing programa. Aniya, "Idol ko po si Ate Marian at ngayon makakasama ko na siya dito sa show. Ang saya-saya ko po. Thank you kay Lord."
Ayon sa mga taga-production, madaling bigyan ng mga instructions ang bibong bagets. Kaya naman hindi sila nahihirapan sa bata kapag nakasalang na ito para sa kanyang mga eksena.
Gagampanan niya ang role ni Iluminada at kung ano ang kanyang hatid sa buhay ni Meg (Marian Rivera) ay yun ang dapat abangan ng mga manonood.
Samantala, makaka-eyeball ni Meg ang mga FB friends niya na sina Justin Betong (Betong Sumaya) at Bruno Mark (TJ Trinidad). Hindi naman tumitingin sa panlabas na kaanyuan si Meg pero ang mga kasama niya sa Same Same Café ay hindi maganda ang pagtingin kay Justin Betong.
Ano kaya ang hatid nina Justin Betong at Bruno Mark sa buhay ni Meg? Sino kaya ang kanyang pagkakatiwalaan?
Alamin ang mga kasagutan sa tinututukang dramedy ng Kapuso network na Tweets for my Sweet tuwing Linggo pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA.
Tweet
Share




0 comments for this post