Beauty Secrets ni Bubbles Paraiso at Iba Pang Tips Para kay Mommy sa Pinoy MD
By Night Owl on 10:17 AM
Filed Under:
Isang special Mother's Day episode ang hatid ng Pinoy MD ngayong Sabado ng umaga sa GMA-7.
Ang mga nanay nga naman, madalas inuuna ang kalusugan ng pamilya bago pa alagaan ang sarili. Kaya naman ngayong Sabado, tinukoy ng Pinoy MD ang top 5 na dapat pinapa-check-up ng mga babae. Ano ba ang mga dapat na unahin? At magkano ba ang dapat ipunin?
Tampok din ngayong Sabado ang model, host, at aktres na si Bubbles Paraiso na hindi lamang sexy ang body-healthy din! Ang pili niyang workout ngayon, ang plana forma-isang uri ng exercise na pinaghahalo ang mga elemento ng yoga, pilates, at iba pang mga sayaw. Alamin ang iba pang sikreto ni Bubbles para mapanatili ang kanyang sexy body!
Ayon sa World Health Organization, tinatayang 20% sa mga naninigarilyo sa mundo ay babae. Ang numerong ito, tumataas pa. Nakilala ng Pinoy MD ang ilang mga babaeng pilit na pinipigil ang kanilang paninigarilyo. Maitigil na kaya nila ang kanilang bisyo?
Abangan lahat ng iyan sa nag-iisang tahanan ng mga doktor ng bayan-ang Pinoy MD ngayong Sabado, 6am, sa GMA-7.
Tweet
Share


0 comments for this post