Kahit saan sa mundo talagang lutang ang galing at ganda ng pinay, kaya naman ang Kapuso star na si Gwen Zamora ay napili upang pagbidahan ang international film na “The Witness” kung saan ipapalabas din ito sa bansa ngayong Marso.
Matapos gampanan ang mga roles sa television shows at pelikula, sumabak si Gwen sa panibagong hamon sa kanyang karera --- at ito ay ang pagganap sa importanteng karakter sa nasabing international film.
Sa lahat ng mga karakter sa “The Witness”, natatanging si Gwen Zamora lamang ang Pinay kaya bawat eksena sa pelikula ay sinisigurado niyang kanyang pinagbutihan.
Gagampanan ni Gwen ang karakter na si Angel Fordeliza Isagani, isang General Manager ng isang hotel. Mula sa Maynila maaassign siya sa Jakarta, Indonesia at doon mag-uumpisa ang kanyang kalbaryo. Mga panaginip na tungkol sa isang batang lalaki na nagngangalang Aris ang patuloy na babagabag sa kanya. Matutuklasan niya na ang lalaking ito ay kinitil ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagputok ng baril sa kanyang bibig.
Sino si Aris sa buhay ni Angel? Ano ang mensaheng gustong ipaalam ng mga hindi magagandang panaginip?
Samahan si Angel na tuklasin ang mga kasagutan tungkol sa mga panaginip na patuloy na bumabagabag sa kanya.
Mula sa direksyon ni Muhammad Yusuf, ang “The Witness” ay inihahandog ng GMA Films at Skylar Pictures at mapapanood sa mga sinehan sa bansa simula March 21, 2012.
Para sa mga updates, bisitahin ang www.facebook.com/filmTHEWITNESS at i-follow ang @witnessthemovie sa twitter.
Tweet
Share

0 comments for this post