Taiwanese Heartthrob In-Love sa Bobita!

By Night Owl on 10:46 PM

Filed Under:

Talagang katakam-takam ang Taiwanese model, actor at singer na si Joe Cheng (nope, hindi siya anak ni Joe Mari Cheng. Joke yun?). Si Cheng ang bida sa napaka-successful na Taiwanese series na “It Started with a Kiss” na mapapanood simula ngayong Lunes sa Afternoon Prime ng GMA-7.

Ang pa-mystery effect na look ni Cheng at ang cute nitong mga labi ang talagang nagpapatili sa marami nitong fans sa iba’t ibang bahagi ng Asia. Ngunit ano itong napag-alaman naming medyo takot daw magmahal itong si Cheng dahil na-trauma sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang noong bata pa siya?

Anyway, sa It Started with a Kiss, makakapareha ni Cheng ang aktres na si Ariel Lin. Si Cheng ay gaganap bilang Joseph, ang pinakamatalinong lalaki sa eskwelahan nila, pero hindi siya pala-kaibigan. Si Lin naman ay gaganap bilang Arianne, ang exact opposite ni Joseph na saksakan ng ka-shongakan. Sa unang araw ng klase ay makikita ni Arianne si Joseph at maiinlove siya rito (Agad agad? Bawal demure?). Ngunit deadma ang beauty niya sa binata dahil hindi nito type ang babaeng boba (ay antarrrayy!). Pero ma-chachallenge si Arianne at gagawin niya ang lahat para lang ma-meet ang standards ni Joseph at mapansin siya nito. Sa hindi inaasahang pangyayari ay pagsasamahin sila ng tadhana sa isang bahay at doon matitikman nila ang tamis ng unang halik na magpapahulog sa loob ni Joseph.

Abangan ang nakakaaliw at nakaka-in-love na kwento ng It Started with a Kiss simula ngayong Lunes, February 20, pagkatapos ng Broken Vow sa GMA Afternoon Prime.








Share

1 comments for this post

tp

wala na bang ibang taiwanese drama na mauuna ang gma at hindi pupulot sa tira tira ng abs cbn... this only confirms that GMA is Gusto Maging Abscbn

Posted on February 20, 2012 at 9:51 AM