Matapos ang matagumpay na “Mr. and Mrs. A” concert na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum noong February 14, 2012, mapapanood na ng bawat Kapuso ang unang collaboration bilang mag-asawa ng Songwriter na si Ogie Alcasid at ang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa pamamagitan ng "Mr. and Mrs. A" television special.
Aawitin ng mag-asawa ang mga hindi malilimutang musika na sumisimbolo sa bawat kwentong pag-ibig na siguradong kukurot sa puso ng bawat manonood.
At dahil sa mga magagandang papuri na tinatanggap tungkol sa kanilang katatapos lang na concert, nagpahatid naman ng pasasalamat si Ogie sa mga tao na walang sawang sumusuporta sa kanila ni Regine. “We’re very happy that every Kapuso will have the chance to watch the recent Mr. and Mrs. A concert on GMA this Saturday. It’s our way of thanking them for being with us in our journey of life and love.”
Upang magdadagdag ng kinang sa gabi ng pag-ibig, ang ilan sa mga hinahangaang Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Michael V, Moymoy Palaboy at Sam Pinto ay maghahatid ng hindi matatawarang performances para sa mga manonood.
Kaya naman makisali sa indak ng bawat musika at damhin ang sarap ng pag-ibig sa Mr. and Mrs. A TV special na mapapanood ngayong Sabado (March 3, 2012) pagkatapos ng Manny Many Prizes sa GMA 7.
Tweet
Share

0 comments for this post