Sa sobrang stressful ng buhay ngayon, dumarami ang nangangailangan ng napakasarap na hard and soothing massage, kaya naman naglipana ang mga massage parlor na hindi lang nagkukumpitensiya sa magaling na serbisyo kundi pati sa itsura ng mga masseuse. Siyempre kung chaka ang masahista baka lalo ka lang ma-stress, diba? Pero paano kung malaman mong ang taong nagmamasahe sa'yo ay matagal na palang patay, anong gagawin mo?
'Yan ang drama nina Katrina Halili, Paolo Contis at Antonio Aquitaña ngayong Sabado sa Spooky Valentine presents "Masahista" ng GMA.
Gaganap si Katrina bilang Noemi, ang di matahimik na multo ng isang masahistang dating nagtrabaho sa massage parlor ni Patrick (Antonio Aquitaña). Noong nabubuhay pa si Noemi ay nagkaroon siya ng romantic affair sa chickboy na kapatid ni Patrick na si Mike (Paolo Contis). Ngunit ni isa sa mga pangyayaring ito ay hindi maalala ni Patrick. Nasangkot kasi siya sa isang malagim na aksindenteng naging dahilan ng kanyang pagkakaroon ng locunar amnesia. Nang makalabas sa ospital si Patrick, bumalik siya sa kanyang massage parlor sa pag-asang makakatulong ito sa recovery niya. Pero hindi siya tatantanan ng multo ni Noemi. Tila may gustong ipahiwatig si Noemi sa kanya. Habang bumabalik ang alaala ni Patrick ay maiintindihan niya kung ano ang hinaing ng naghihiganting multo.
Ano kaya ang kaugnayan ni Noemi kina Patrick at bakit nagpapakita ito sa kanya? Paano ba namatay si Noemi at may kinalaman kaya rito si Mike?
Ihanda na ang powder o lotion dahil baka ma-stress kayo sa hardcore na takutan sa Spooky Valentine presents "Masahista," hahagod na ngayong Sabado, pagkatapos ng Manny Many Prizes sa GMA-7.
Tweet
Share

0 comments for this post