Ngayong Sabado sa Tropang Potchi, makokorner ng mga boys mula sa ibang grupo ang ka-potchi nating si Bianca. Bagama’t ang gusto lang naman ng mga boys ay yayain si Bianca na makipaglaro sa kanila, hindi magugustuhan ni Bianca ang pag-approach sa kanya ng mga boys. Buti na lang at mabilis na darating ang iba pa niyang ka-potchi na sina Miggy at Julian para ipaglaban siya. Mukhang maiinvolve ang dalawang bida nating boys sa gulo ah! Pero hindi maaaring masira ang araw ni Miggy dahil magcecelebrate siya ng kanyang birthday!
Samantala, sa Potchi House, ibabahagi nina Sab at Liane sa iba pa nilang mga kaibigan ang kanilang experience sa pagbisita sa isang Picasso Art Exhibit. Ang exhibit na iyon ay ang kauna-unahang Picasso exhibit na ginanap sa Pilipinas. Si Picasso ay isang tanyag na pintor na binansagan bilang isa sa mga pinakasikat at pinaka-maimpluwensiyang pintor sa ika-20 siglo.
Ibabahagi naman nina Bianca at Sab ang kanilang natutunan mula sa isang “sand artist.” Ipapakita ng sand artist kung paano siya nakakagawa ng mga kamangha-manghang obra maestra mula sa buhangin.
Tiyak na magugustuhan ng mga kids, maging ng mga former kids, ang episode na ito ng Tropang Potchi na hindi lang nakakaaliw, napaka-educational din. Mapapanood ang Tropang Potchi tuwing Sabado, alas-9 ng umaga, sa GMA.
Tweet
Share

Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments for this post