Pagwawakas ng 'Munting Heredera'
By Night Owl on 10:50 PM
Filed Under:
Matapos mamayagpag ng siyam na buwan sa primetime, nakatakda nang magwakas ang pinag-usapan at tinutukang family-drama ng GMA-7 na Munting Heredera (MH). Mapapanood ang finale week ng program simula January 30 to February 3 sa GMA Telebabad.
Dahil sa naging mainit na pagtanggap ng sambayanan, binigyan ito ng sunod-sunod na extension kaya’t aabot ito ng 39 na lingo sa ere. Nakamit nito ang pinaka-mataas nitong audience share noong August 30 matapos makapagtala ng 49.5 points sa Mega Manila (based on May 9, 2011 to January 17, 2012 Mega Manila households data) ayon sa AGB Nielsen. At magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin ito sa pagpalo sa ratings.
Naging usap-usapan din ang Munting Heredera sa mga social networking sites kung saan paboritong paksa ng mga internet users ang mga bagong kaganapan sa kwento.
Mula sa orihinal na storya, mas ginawa pang kaaya-aya ang kwento ng mga manunulat sa pangunguna ni Agnes Gagelonia-Uligan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga bagong tauhan at kaganapan na isinalin naman para sa telebisyon ng award-winning director na si Maryo J. delos Reyes.
Habang patuloy ang paghahanap sa nawawalang tagapagmana, umikot din ang kwento sa buhay ng bawat tauhan na may kani-kaniya ring rebelasyon sa isa sa masasabing pinaka-matagumpay at di-malilimutang drama ng GMA.
Ipinamalas sa bawat episode ang galing sa pag-arte ng mga pangunahing tauhan na sina Ms. Gloria Romero, Mark Anthony Fernandez, Camille Prats, Luz Valdez, Gabby Eigenmann (na nanalo bilang Best Supporting Actor sa Golden Screen Awards para sa kaniyang pagganap sa papel ni Desmond), Leandro Baldemor, Ynez Veneracion, Neil Ryan Sese, Krystal Reyes, at Roderick Paulate. Sama-sama nilang binigyang buhay ang samu’t saring temang pampamilya.
Pinahanga rin ang mga manonood ng tatlong Munting Heredera child stars na sina Mona Louise Rey, Kyle Daniel Ocampo, at Barbara Miguel dahil sa kanilang natural na husay sa pag-arte.
Samantala, sa pagkawala ng mga karakter nina Katrina Halili, Joyce Ching at Kristoffer Martin ay pumasok sa cast sina Boots Anson-Roa, Robert Arevalo, Bobby Andrews, Andrea del Rosario, Migs Cuaderno, at sa isang natatanging pagganap, si Monmon Domingo, isang batang ipinanganak nang may cerebal palsy, na lalong nagpatingkad ng kwento. Sila rin ay tumatak sa mga manonood na walang sawang sumuporta at sumubaybay sa programa.
Sa pinaka-aabangang finale week, maraming matitinding eksena at pasabog ang dapat pang abangan sa show. May bagong haharaping pagsubok si Manny (Roderick Paulate) na may kinalaman sa kaniyang kalusugan. Alamin din kung mananatiling sakim si Desmond (Gabby Eigenmann) hanggang sa huli, at kung saan hahantong ang love story nina Sandra (Camille Prats) at Jacob (Mark Anthony Fernandez), gayon din nina Doña Ana (Gloria Romero) at Enrique (Robert Arevalo). Magkakaroon din ng bagong miyembro ang pamilya ng mga Montereal, sino kaya ito?
Huwag na huwag bibitiw sa huling mga araw ng Munting Heredera sa mas pinaaga nitong timeslot after 24 Oras sa GMA Telebabad.
Tweet
Share

Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments for this post