Cartoon Series na 'Tom and Jerry' Mapapanood Muli sa GMA-7

By Night Owl on 12:13 AM

Filed Under:

Simula ngayong Lunes, lalong pasasayahin ng GMA Network ang umaga ng mga manonood sa pagbabalik ng isa sa pinaka-popular na animated TV series na siya marahil ang pinaka-long-standing na bangayan sa kasaysayan ng telebisyon -- ang Tom and Jerry.

Mahigit pitong dekada na ang nakararaan mula nang buoin ng comic writers na sina William Hanna at Joseph Barbera ang kwento ng naturang series na tungkol sa walang katapusang awayan sa pagitan ng isang household cat na si Tom na kumportableng namumuhay sa loob ng bahay ng kanyang amo, at ang tinik sa kanyang lalamunan na si Jerry, isang tusong daga na wala nang ibang ginawa kundi ang inisin si Tom.

Talaga namang subok na ang classic na estilo sa pagpapatawa ng Tom and Jerry na hanggang ngayon ay patok pa rin hindi lamang sa mga batang manonood kundi pati na rin sa mga nakatatanda. Sa katunayan, ang nasabing animated series ay itinuring ng TIME magazine bilang “one of the greatest television shows of all time.”

Maaliw sa nakakatawang habulan at asaran nina Tom at Jerry tuwing Lunes hanggang Biyernes simula January 23, 8:15am (pagkatapos ng Unang Hirit), sa GMA-7.


Share

0 comments for this post

Post a Comment