'Bubble Gang', magdiriwang ng ika-16 na anibersaryo!

By Night Owl on 9:06 PM

Filed Under:


Sa labing anim na taong pangunguna ng Bubble Gang sa pagbibigay ng hindi matatawarang programa at kasiyahan, siguradong hindi nila bibiguin ang mga manununood sa mga inihanda nilang surpresa at kawkelahan sa kanilang 2-week anniversary episodes.

Ang nasabing anniversary ay pinamagatang Bubble Gang 4 x 4 dahil sisiguraduhin nilang 4 x 4 na kasiyahan at walang patid na halakhakan ang handog ng Bubble Gang barkada na sina: Ogie Alcasid, Michael V, Rufa Mae Quinto, Antonio Aquitania, Maureen Larrazabal, Boy 2 Quizon, Diego, Moymoy Palaboy, Myka Flores, kasama ang Bubblets na sina Jackie Rice, Gwen Zamora, Ellen Adarna at Sam Pinto.

Sa News Balita, ihahatid ng comedy duo na sina Ogie Alcasid at Michael V. ang awit ni Lady Gaga bilang isang news item at ita-translate nila ito sa Filipino.

Paiinitin naman ng hindi mapatumbang si Boy Pick-Up ang anniversary episodes ng Bubble Gang sa mga hinanda niyang pick-up lines na paniguradong bibihag sa mga puso ng bawat Pinoy.

Huwag ring pahuhuli sa inaabangang paghaharap nina Cheche at Angelina. May pai-staran kayang magaganap? At sino kaya sa kanila ang mas sikat?

Makikisaya rin sa Bubble Gang 2-week anniversary special ang mga Kapuso News personalities na sina Mike Enriquez, Arnold Clavio at Kapuso Stars na sina Heart Evangelista and Dennis Trillo.

Samantala, magbabalik tanaw ang Bubble Gang 4 x 4 sa koleksyon ng mga pinasikat nilang famous lines mula sa di malilimutang TV commercials sa nakalipas na labing-anim na taon.

Maki-celebrate na kasama ang inyong BG barkada at huwag palampasin ang 2-week anniversary special ng Bubble Gang 4x4 na ipapalabas ngayong October 14 at 21, 2011 pagkatapos ng Inside Protégé sa GMA 7.


Share

0 comments for this post