Iza Calzado, TJ Trinidad and Jiro Manio join the cast of Pilyang Kerubin

By Night Owl on 7:11 PM

Filed Under: , ,

Lalong nagiging kapana-panabik ang mga tagpo sa telefantasyang napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad, ang Pilyang Kerubin.

Ngayong Linggo, isang panibagong misyon ang tatahakin nina Charity (Barbie Forteza) at Angelica (Alliyah dela Riva) upang makagawa ng kabutihan sa lupa. Itinatampok sina Iza Calzado bilang Sandra, TJ Trinidad bilang Abet, Daria Ramirez bilang Viring at Jiro Manio bilang Rodjun. Sila ang mga bagong tauhan sa kwento na magbibigay-kulay sa buhay ng dalawang anghel.

Dadalhin ni Mang Potpot at Manong sina Charity at Angelica sa kanilang susunod na misyon sa isang zoo. Si Abet, ang lalaking nakakulong sa hawla ang bagong misyon ng dalawang anghel.

Nagsimula ang pagmamahalan nina Abet at Sandra sa tulong ng isang kalapati. Nain-love ang dalawa sa isa't-isa pero tutol ang mga magulang ni Sandra. Nang maisipan nilang magtanan, sinugod ng mga lalake si Abet at pinagpapalo. Hindi nito nasipot si Sandra na naghihintay sa kanilang tagpuan. Tuluyang nabaliw si Abet at ikinulong ng kanyang ina sa hawla.

Magtutulungan sina Charity at Angelica na magkita muli ang magkasintahan. Ngunit, nadiskubre ni Aroo ang kanilang misyon at gagawa ito ng paraan upang mahadlangan ang pagkikita ng dalawa.

Magtagumpay kaya sina Charity at Angelica na mapalaya si Abet sa kanyang kulungan? Magkakabalikan pa kaya ang magkasintahan?

Huwag palagpasin ang pakikipagsapalaran ng tinaguriang Tween Queen ng primetime na si Barbie Forteza sa Pilyang Kerubin gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.


Share

0 comments for this post